Geometric pattern of mountains

Kailangan mo ba kaagad ng tulong?

Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.

Suicide hotline: 1-800-784-2433

Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789

Kids Help Phone: 1-800-668-6868

KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717

 

Ang Alan Cashmore Centre ay naglalaan ng libreng treatment at suporta sa mga pamilyang may mga alalahanin tungkol sa kakayahan ng kanilang anak na mapamahalaan ang dalawa o higit pang areas ng development, kabilang na ang emosyonal – pamahalaan ang mga nadarama, kabilang na ang anxiety, galit, at kalungkutan; social - pakikitungo sa ibang mga bata, at behavioural - pagiging agresibo, withdrawn, o hindi ginagawa kung ano ang inaasahan sa kanya.

Paano i-access

  • Tingnan kung eligible

    • Mga sanggol at batang 0-5 taong-gulang sa panahon ng referral
    • Mga pamilyang nakatira sa Vancouver
    • Ang magulang/caregiver ay kasalukuyang may mga alalahanin tungkol sa pangkaisipang kalusugan ng kanilang anak, tungkol sa kanilang pagmamagulang, at/o sa kanilang relasyon sa bata
    • Nakipag-usap na ang magulang/caregiver sa ibang community professional na may alalahanin din tungkol sa kanilang anak
  • Kumuha ng referral

    Maaaring i-refer ng mga pamilya ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagtawag sa (604) 675-3996, extension 0.

    Ang intake ay nangangailangan ng appointment.

Mga oras ng pagpapalakad

Kasalukuyang bukás
  • Monday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Tuesday:   9:00 a.m. to 7:00 p.m.
  • Wednesday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Thursday:   9:00 a.m. to 7:00 p.m.
  • Friday:   9:00 a.m. to 5:00 p.m.
  • Saturday:   Sarado
  • Sunday:   Sarado

Parking & Transportation

If taking a bus, please take #20, #9 or #99 and get off at East Broadway and Commercial Drive. If taking the Sky Train, go to the Expo or Millennium Line to Broadway-Commercial station.

There is underground pay parking directly beneath our building. Access this lot from the lane on the east side of Woodland street or the west side of Commercial Drive. Surrounding street parking is also available.

Mga serbisyo sa Alan Cashmore Centre

Mga serbisyo para sa mga pamilya

  • Naglalaan kami ng iba't-ibang therapy services at maaaring kabilang dito ang:
  • Intake screening at talakayan tungkol sa community resources
  • Psycho-educational workshops para sa mga magulang/caregivers
  • Therapeutic groups kung saan isasali ang bata at ang kanilang magulang/caregiver
  • Relasyon ng magulang-bata para itaguyod ang emotional development at mga mabubuting relasyon
  • Therapeutic Day Program para sa mga bata at sa kanilang caregivers

Mga serbisyo para sa Early Childhood Community

Kami ay nagbibigay ng edukasyon at konsultasyon tungkol sa early childhood mental health sa childcare centres, community health centres, Family Places, at Neighbourhood Houses. Naglalaan din kami ng outreach sa Early Childhood Centres para dagdagan ang kaalaman, kompiyansa, at skills ng staff sa pangangalaga para sa mga batang may social, emosyonal, at/o behavioural na alalahanin.

Karagdagang impormasyon tungkol sa serbisyo

Kailangan ng bawat bata ng suporta ng malakas at matatag na mga relasyon ng pamilya. Kapag nagtatag sa mga lakas ng pamilya, nagiging matatag ang emosyonal na kalusugan at ang kabutihan ng isang bata. Ang mga bata at mga pamilya ay mas madaling nakakagawa ng mga pagbabago kapag ang lahat ay may tungkulin. Dahil dito, naniniwala kami na ang mga magulang at mga caregiver ay dapat laging kasali sa treatment.

Ang serbisyo sa pangkaisipang kalusugan ng mga sanggol at maliliit na bata sa Vancouver ay nagsusuporta sa mga pamilya para

  • tulungan silang maunawaan ang kahalagahan ng mga nadadama at kung paano sila ipakita sa isang mabuting paraan,
  • tulungan ang mga batang makaramdam na sila'y ligtas at secure,
  • tulungan ang mga magulang/caregivers at ang kanilang mga anak na magkaroon ng mga mabubuting relasyon,
  • tulungan ang mga magulang/caregivers na matutunan ang mga paraan para maging mas responsive sa kanilang mga anak, at
  • tulungan ang mga bata na magkaroon ng kakayahang makihalubilo.

I-download ang Alan Cashmore Centre: Early Childhood Mental Health Program Brochure

Robert & Lily Lee Family Community Health Centre

At Robert and Lily Lee Family Community Health Centre, you can get basic health care and learn how to keep yourself healthy. We provide services for people of all ages. The Centre works with community organizations and health care providers, such as your family doctor, to keep people and communities healthy.

Early Childhood Mental Health Services

Ang early childhood mental health services ay naglalaan ng treatment at suporta sa mga pamilyang nag-aalala tungkol sa kakayahan ng kanilang anak na makaya ang emotional, social at behavioural areas ng development.