Early Psychosis Intervention (EPI) Programs
Related topics: Mental health Mental health and substance use Psychosis and thought disorders Richmond mental health and substance use services Vancouver mental health and substance use services
Kailangan mo ba kaagad ng tulong?
Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.
Suicide hotline: 1-800-784-2433
Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789
Kids Help Phone: 1-800-668-6868
KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717
Ang Early Psychosis Intervention (EPI) Programs ay naglalaan ng maagang identipikasyon at treatment para sa psychosis para ang mga sintomas ay hindi maging mahirap na mapamahalaan at hindi gaanong makasagabal sa buhay ng isang tao.
Sa VCH, may tatlong lokasyon ang programa: Vancouver, Richmond at Coastal (North Shore). Mangyaring tingnan ang impormasyon sa ibaba kung paano sila makokontak. Ang EPI programs ay para sa mga indibidwal na 13-30 taong-gulang na may sinususpetsahan o kompirmadong psychosis, maliban kung ito’y ipinapaliwanag ng ibang medikal na kondisyon, na naninirahan sa VCH Health Region.
Ano ang maaasahang mangyari
Ang VCH EPI Programs ay naglalaan ng komprehensibo at specialized treatment na naaayon sa best practice standards ng province para sa pagbigay-lunas sa psychosis.
Ang ilan sa mga serbisyong inilalaan namin ay:
- indibidwal na treatment at suporta,
- family meetings,
- group sessions, at
- vocational support.
Bisitahin ang Provincial Early Psychosis Intervention (EPI) website para sa karagdagang impormasyon.
Ano ang psychosis?
Ang psychosis ay isang nagagamot na medikal na kondisyon na umaapekto sa utak kung saan may kaunting kawalan ng kaalaman kung ano ang katotohanan.
Ang psychosis ay naiiba sa bawat tao, pero karaniwang may kasama itong mga halusinasyon, delusion, at/o kahirapan sa pag-iisip. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa psychosis at kung ano ang kahalagahan ng maagang interbensyon, magpunta sa Provincial Early Psychosis Intervention (EPI) website.
Resources
-
-
Provincial Early Psychosis Intervention (EPI) Website
-
BC Schizophrenia Society
-
Canadian Mental Health Association: BC Division
-
Canadian Consortium for Early Intervention in Psychosis
-
Mental Health Act
-
Coast Mental Health
-
Open Door Group
-
-
-
Early Psychosis Intervention (EPI) Program brochure
-
Paano ito i-access
Ang mga táong may mga alalahanin sa kanilang sarili o para sa iba ay maaaring diretsong kumontak sa VCH EPI program. Ang sinomang maaaring magsabi na sila’y may alalahanin ay ang pamilya, mga kaibigan, mga doktor, mga guro, school counsellors, at youth workers.
Hanapin ang lokasyon na malapit sa iyo para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-access ng serbisyong ito.
Kung nakatira ka sa Squamish, Pemberton, Whistler, Bella Bella, Bella Coola, Sunshine Coast, o Powell River, mangyaring kontakin ang isang local mental health at substance use service.
Hanapin ang service na ito na malapit sa iyo
-
Iba pa
Early Psychosis Intervention (EPI) Richmond
8100 Granville Avenue, Suite 115 on 1st Floor Richmond -
Early Psychosis Intervention (EPI) Coastal
Hope Centre, 3rd Floor, 1337 St. Andrews Ave North Vancouver -
klinika para sa pangkaisipang kalusugan
Early Psychosis Intervention (EPI) Vancouver
2750 East Hastings Street, Unit 333 Vancouver