Foundry Works
Related topics: Child and youth mental health and substance use Children and youth health
Ang Foundry Works ay isang bagong suportadong programa sa employment at edukasyon para sa mga kabataang interesadong magtrabaho, pumasok sa eskwelahan, o magkompleto ng training program.
Ang Foundry Works ay tumutulong sa mga kabataan na magkaroon ng skills at experiences na kailangan nila para makamit nila ang kanilang mga layunin. Ang Foundry Works ay available sa mga kabataan sa B.C. sa pagitan ng 15-24 taong-gulang na hindi kasalukuyang nagtratrabaho o naka-enroll sa anumang ibang employment program.
Mga inaalok na pansuportang serbisyo
- one-on-one employment counselling para malaman kung ano ang mga interes at mga kasalukuyang paghahamon,
- direktang suporta sa mga resumes (biodata), cover letters, at mga proseso ng aplikasyon,
- pinansyal na resources o suporta,
- alamin kung ano ang mga posibleng paraan patungo sa post-secondary education o certification programs,
- tulong sa pagkonekta sa ibang mga propesyonal sa health care, at
- suporta sa trabaho, eskwelahan, o programa.
Resources
-
-
Foundry Works
-