Youth Day Treatment Program
Related topics: Child and youth mental health and substance use Children and youth health Mental health and substance use Substance use Vancouver mental health and substance use services Youth substance use services
Kailangan mo ba kaagad ng tulong?
Kung may alalahanin sa kalusugan na nangailangan kaagad ng atensyon, mangyaring tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa emergency sa ospital na pinakamalapit sa iyo.
Suicide hotline: 1-800-784-2433
Tawagan ang BC Crisis Line: 604-310-6789
Kids Help Phone: 1-800-668-6868
KUU-US Crisis Support Line (Indigenous Toll-Free Crisis at Support Line sa Buong BC): 1-800-588-8717
Ang Youth Day Treatment Program ay isang outpatient substance use treatment program para sa mga kabataang 16 hanggang 24 taong-gulang sa Vancouver Coastal Health (VCH) region kung nais nilang baguhin ang kanilang paggamit ng droga o alak.
Kabilang sa mga serbisyo ang
- case management (pamamahala sa kaso),
- lingguhang 1-1 sessions sa clinician na naroroon,
- access sa primary care,
- lunch at merienda,
- kultural at spiritwal na suporta,
- outreach sa komunidad,
- tulong sa pagkonekta sa mga serbisyo, kabilang na ang mga pangmatagalang suporta sa komunidad,
- referrals sa mga serbisyo sa komunidad at sa inpatient treatment, at
- harm reduction supplies at edukasyon.
Ano ang maaasahang mangyari
Ang VCH Youth Day Treatment Program ay nag-aalok ng group therapy apat na beses bawat linggo, at individual therapy kapag kinakailangan ng mga kliyente. Kabilang sa staff ang isang Intake Clinician, Concurrent Disorder Clinician, at Social Worker.
Ang lahat ng mga admission sa Day Treatment Program ay boluntaryo at pinagsisikapan naming maglaan ng low barrier at accessible na programming. Ang istruktura ng programa ay ginawa para makapagpatuloy ang kabataan na pumasok sa eskwelahan, trabaho, o iba pang programming, habang ginagawa rin nila ang kanilang goals sa substance use.
Ang mga kabataan ay hinihiling na gumawa ng goals para sa kanilang substance use; ang mga ito'y maaaring maging flexible. Ang programa ay nakikipagtulungan sa mga kabataan upang malaman nila kung ano ang goals para sa harm reduction (pagbawas ng panganib), abstinence goals (gaano katagal hindi gumagamit ng droga o alak), at lahat ng iba pa. Ang programa ay tumutulong para isama ang mga kabataang humaharap ng maraming mga hadlang, kabilang na ang mga kabataang nakakaranas ng homelessness, may mga problema sa mental health, at may trauma.
Nag-aalok ng group work (kasama sa grupo) at ng individual work (mag-isa lang), nang may focus sa mga paksa tulad ng mga mabubuting relasyon, paano iwasan ang relapse, at pagtatag ng healthy community.
Ang mga clinician sa programa ay eksperto sa iba't ibang klaseng treatment at nagtratrabaho sila habang isinasaalang-alang ang nangyaring trauma. Ang Day Treatment Program ay dedikadong magbigay ng accessible na programing na may kinalaman sa paggamit ng droga o alak, at ang epekto nito sa mga kalahok. Batay sa isang holistic at trauma-informed at harm reduction model, maglalaan sa mga kabataan ng iba't-ibang content na magbibigay ng therapeutic connections at suporta sa pamamagitan ng individualized treatment plans at goal setting.
Istruktura ng programa
Sa pamamagitan ng psychoeducational groups, one-on-one sessions, at community outings, ang mga kabataan ay bibigyan ng oportunidad na matuto nang magkakasama at gawin ang kanilang sariling set ng structured goals. Ang aming programming ay batay sa kaalaman tungkol sa trauma, at kasama rito ang therapeutic at skill-building na trabaho.
Ang Day Treatment Program ay Miyerkoles hanggang Biyernes mula 2:00 p.m. hanggang 4:00 p.m. nang 15 linggo. Ang programa ay hinati sa limang modules na tatlong linggo bawat isa. Ang bawat grupo ay nagtatagal nang mga dalawang oras at kasama dito ang panahon para sa mga break, merienda, drinks, at paninigarilyo.
Kabilang sa mga paksa ng grupo ang:
- pamamahala sa pakiramdam na ang tao ay may sala at may kahihiyan
- mindfulness
- paano maiwasan ang relapse
- trauma integration
- mga mabubuting relasyon
- pangangalaga sa sarili
- ano ang gagawin kapag nakaranas ng triggers
- pagtatag ng coping skills (skills upang kayanin ang mga sitwasyon sa buhay)
Paano i-access ang serbisyong ito
Kinakailangan ang referrals at ito'y kinokompleto ng isang community counsellor o health care professional sa tulong ng kliyente. Oras na natanggap ang isang referral, ito'y nirerebyu ng Central Addiction Intake Team (CAIT) Concurrent Disorder Counselors para matiyak kung ito'y kompleto at para masigurado na ang mga kliyente ay mailalagay sa pasilidad na pinakamainam para sa kanilang mga pangangailangan.
I-access ang programang ito sa pamamagitan ng Central Addiction Intake Team (CAIT).