Resource

Wildfire smoke

A smokey landscape during the 2017 British Columbia wildfires.

Ang wildfire smoke o usok mula sa wildfire ay isang anyo ng air pollution na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan.

Bakit mapanganib ang usok

Ang usok ay naglalaman ng maliliit na particles ng pollution – na tinatawag na particulate matter o kaya PM – na sumusuot nang husto sa iyong mga baga kapag ikaw ay lumanghap ng hangin. Ang particles na ito ay maaaring magdulot ng iritasyon at inflammation. Ang particulate matter ay ang pinakamalaking panganib sa kalusugan mula sa lahat ng mga pollutant na nasa usok mula sa wildfire.  Basahin ang BCCDC fact sheet na ito para malaman kung ano ang nilalaman ng usok mula sa wildfire mula sa.

Ang karamihan ng mga sintomas ay maaaring pamahalaan nang walang medikal na atensyon:

  • Masakit na lalamunan
  • Iritasyon sa mata
  • Tumutulong ilong
  • Kaunting ubo
  • Pagkakaroon ng plema
  • Humuhuni ang paghinga
  • Pananakit ng ulo

Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng mga mas malubhang sintomas at dapat kumuha kaagad ng medikal na atensyon. Tumawag sa HealthLink BC (8-1-1), kausapin ang iyong primary care physician, o bisitahin ang isang walk-in clinic kung nakakaranas ka ng:

  • Pangangapos ng hininga
  • Sobrang ubo
  • Pagkahilo
  • Pananakit sa dibdib
  • Palpitasyon

Mga táong mas nanganganib

Iba-iba ang reaksyon ng katawan ng iba't-ibang mga tao sa usok, at ang ilang mga tao ay mas nanganganib na makaranas ng mga epekto nito sa kalusugan. Ang pagbawas ng exposure o pagkalantad sa usok mula sa wildfire ay lalo nang mahalaga para sa mga sumusunod na grupo ng mga tao:

  • Mga táong may dati nang mga pangmatagalang kondisyon tulad ng hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), sakit sa puso, at diyabetis
  • Mga babaeng buntis
  • Mga sanggol at maliliit na bata
  • Mga matatanda
  • Mga táong nadiyagnos ng impeksyon sa baga

Ang ibang mga tao ay maaari ring maapektohan ng usok mula sa wildfire. Naiiba ang reaksyon ng iba't-ibang mga tao, kaya pakinggan ang iyong katawan at bawasan ang iyong pagkalantad kung naaapektohan ka ng usok.

Wild fire smoke poster

Basahin ang mga epekto sa kalusugan ng usok mula sa wildfire at kung ano ang mga paraan para mabawasan ang pagkalantad dito.

I-download ang wildfire smoke poster

Protektahan ang iyong sarili mula sa usok mula sa wildfire

Ang pinakamainam na paraan para maprotektahan ka laban sa maaaring mapanganib na epekto ng usok mula sa wildfire ay ang bawasan ang iyong pagkalantad sa usok at magpunta sa mas malinis na hangin:

Makahanap ng karagdagang impormasyon sa BCCDC website tungkol sa mga epekto ng usok mula sa wildfire sa kalusugan, paano maghanda para sa panahong ito, at ang paggamit ng portable air cleaners para sa usok mula sa wildfire.

BCCDC – Wildfire smoke / Usok mula sa Wildfire

Ang Air Quality Health Index tool

Ang Air Quality Health Index (AQHI) ay isang tool na ginawa para matulungan ang mga tao na maunawaan kung paano naaapektohan ng air quality ang kanilang kalusugan, at kung paano nila maproprotektahan ang kanilang sarili kapag masamâ ang air quality. Ang index ay batay sa measurements ng fine particulate matter (PM2.5), ground-level ozone (O3), at nitrogen dioxide (NO2) at ito'y inirereport sa buong BC. Alamin mula sa BCCDC fact sheet na ito kung paano kinakalkula ang index na ito.

Ang Air Quality Health Index tool

Ang Air Quality Health Index (AQHI) ay isang tool na ginawa para matulungan ang mga tao na maunawaan kung paano naaapektohan ng air quality ang kanilang kalusugan, at kung paano nila maproprotektahan ang kanilang sarili kapag masamâ ang air quality. Ang index ay batay sa measurements ng fine particulate matter (PM2.5), ground-level ozone (O3), at nitrogen dioxide (NO2) at ito'y inirereport sa buong BC. Alamin mula sa BCCDC fact sheet na ito kung paano kinakalkula ang index na ito.

Air quality monitoring data

Ang PM2.5 concentrations ay ang pinakamabuting air quality measure ng usok mula sa wildfire at ito'y nirereport sa ilang regulatory grade sensors sa BC (data map).

Ang PM2.5 data mula sa mas murang air quality monitors (hindi kasing reliable pero mahusay pa rin) ay mahahanap sa mga lugar kung saan maaaring walang regulatory sensors (data map).

Air quality advisories at bulletins

Abangan ang air quality notifications na inilalabas sa VCH region:

Sa Metro Vancouver

May air quality advisory na inilalabas ng Metro Vancouver kapag ang air quality sa malaking bahagi ng Metro Vancouver at ng Fraser Valley Regional District ay pansamantalang lumalalâ, o inaasahang malapit nang lumalâ.

Sa labas ng Metro Vancouver

Ang Smoky Skies Bulletin ay inilalabas ng BC Ministry of Environment and Climate Change Strategy kapag may mga lugar sa province na naaapektohan o maaaring maapektohan ng usok mula sa wildfire sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Puntahan ang Metro Vancouver website para malaman kung ano ang iba't-ibang mga uri ng advisory na inilalabas kapag naging mausok ang hangin, paano malalaman kung may usok sa hangin, at paano malalaman ang pinakabagong impormasyon.

Metro Vancouver - Usok Mula sa Wildfire at Air Quality

Wildfire smoke resources

Find more information on the health effects of wildfire smoke, how to prepare for the season and ways to protect health from wildfire smoke.

The BCCDC website provides many factsheets for wildfire smoke. Key factsheets included under the BCCDC resource tab are: Health effects of wildfire smoke, How to prepare for the wildfire smoke season, Portable air cleaners for wildfire smoke, Wildfire smoke and Air Quality Health Index (AQHI), Wildfire smoke during extreme heat events, and Do-It-Yourself air cleaners.

Related content

Visit VCH Air Quality topic page
Visit VCH Climate Change and Health main page