Resource
Extreme heat
On this page
- Ang mga táong mas nanganganib
- Ang mga epekto ng init sa kalusugan
- Protektahan ang iyong sarili at ang iba mula sa init
- Mag-check-in sa iba
- VCH Heat check-in support framework para sa non-governmental organizations
- Heat check-in training videos
- Gabay ng NCCEH Health checks kapag may extreme heat
- Cooling centres at mga lugar na may malinis na hangin
- Gumawa ng Cooling Spaces Kapag Mainit ang Panahon
- Heat warnings at extreme heat emergencies
- Vancouver’s Indoor HEAT Study (2021-2023)
- 2021 BC Heat Dome and VCH ER Visits
- 2021 BC Heat Dome and VCH ER Visits
- Policy tools para gumawa at magsuporta ng mas malamig at mas ligtas na indoor living spaces (loob ng tahanan)
- Mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa extreme heat
- Resources for health professionals
Maaaring maging lubhang mapanganib ang sobrang init. Alamin kung ano ang mga sintomas ng heat stroke, heat exhaustion, at kung paano maghanda para sa mainit na panahon para protektahan ang iyong kalusugan at ang kalusugan ng iyong mga kapitbahay, mga kaibigan, at pamilya.
Ang mga táong mas nanganganib
Iba-iba ang reaksyon ng iba't-ibang mga tao sa init, at may mga táong mas nanganganib na makaranas ng mga epekto sa kalusugan. Ang magpalamig ay lalo nang mahalaga para sa mga sumusunod na grupo ng mga tao:
- mga mas matandang adults, 60 taong-gulang o mas matanda
- mga táong nakatira nang mag-isa
- mga táong may dati nang kondisyon sa kalusugan, tulad ng diyabetis, sakit sa puso, o sakit sa baga
- mga táong may mental illness (sakit sa pangkaisipang kalusugan) tulad ng schizophrenia, depression, o anxiety
- mga táong may substance use disorders, kabilang na ang sobrang pag-inom ng alak
- mga táong hindi gaano nakakakilos
- mga táong marginally housed (hindi sapat ang tirahan)
- mga táong nagtratrabaho sa maiinit na lugar
- mga babaeng buntis
- mga sanggol at maliliit na bata
Ang ibang mga tao ay maaari ring maapektohan ng init. Naiiba ang reaksyon ng iba't-ibang mga tao, kaya’t pakinggan ang iyong katawan.
Ang mga epekto ng init sa kalusugan
Ang extreme heat events, na tinatawag ding "heat waves," ay maaaring magdulot ng ilang mga sakit na may kinalaman sa init, at ito'y maaaring mauwi sa kamatayan. Ang sakit na may kinalaman sa init ay isang umbrella term para sa mga kondisyon na dulot ng init, tulad ng heat rash, sunburn, heat cramps, heat exhaustion -- at ang pinakamalubha -- heat stroke.
Kabilang sa mga sintomas ng heat exhaustion ang:
- sobrang pawis
- pagkahilo
- alibadbad o pagsusuka
- mabilis na paghinga at tibok ng puso
- pananakit ng ulo
- nahihirapang mag-concentrate
- muscle cramps
- sobrang pagkauhaw
- bagong skin rash
- maitim na kulay ng ihi at mas kaunting ihi
Ang sinomang may mga sintomas ng heat exhausion ay dapat lumipat sa malamig na lugar, dapat uminom ng tubig, at dapat mag-apply ng malamig na tubig sa malalaking bahagi ng balat (magbabad sa malamig na tubig sa bathtub, shower, o basain ang kanyang suot). Gawin kaagad ang mga hakbang na ito dahil ang heat exhaustion ay mabilis na maaaring maging heat stroke, na siyang isang medical emergency.
Kabilang sa mga sintomas ng heat stroke ang:
- mataas na temperatura ng katawan (>39°C/102°F)
- nawawalan ng malay-tao o inaantok
- nalilito
- kawalan ng koordinasyon
- masyadong mainit at namumulang balat
Ang heat stroke ay isang medical emergency. Humanap kaagad ng medikal na atensyon sa isang emergency room o urgent care centre. Tumawag sa 911, kung kinakailangan. Habang naghihintay ng tulong, kung maaari ay ilipat kaagad ang tao sa isang malamig na lugar para palamigin siya kaagad at mag-apply ng malamig na tubig sa malalaking bahagi ng kanyang balat (magbabad sa malamig na tubig sa bathtub, shower, o basain ang kanyang suot).
Protektahan ang iyong sarili at ang iba mula sa init
Ang manatili sa isang malamig na lugar at ang uminom ng maraming tubig ay ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang mga sakit na may kinalaman sa init.
- Humanap ng mas malamig na lugar sa loob at sa labas (ibig sabihin, isang local community centre, library, o mall.)
- Uminom ng maraming tubig at iba pang mga likido para manatiling hydrated, kahit na hindi ka nauuhaw.
- Gumamit ng tubig para magpalamig sa pamamagitan ng pag-shower gamit ang malamig na tubig o paglagay ng bahagi ng iyong katawan sa malamig na tubig sa bathtub.
- Magsuot ng basang shirt o magpatong ng basa-basang tuwalya sa iyong balat para magpalamig.
- Magsuot ng maluluwang at light-coloured at breathable na kasuotan.
- Limitahan ang aktibidad, lalo na sa mga pinakamainit na oras ng araw (kadalasan 2 p.m. hanggang 4 p.m. sa B.C.)
- Isara ang mga bintana at ibabâ ang indoor/outdoor shades/blinds nang bandang 10 a.m. para makulong ang mas malamig na hangin sa loob at para hindi makapasok ang araw.
- Buksan ang mga bintana at mga pintuan nang bandang 9-10 p.m. para papasukin ang mas malamig na hangin magdamag (siguraduhing mas mababa nga ang temperatura sa labas kaysa sa loob.)
- Gumamit ng isa o higit pang mga bentilador at ilagay ito sa mga lugar kung saan magdamag nitong maipapasok sa loob ng tahanan ang mas malamig na hangin.
- Gumamit ng exhaust fans, na karaniwang nasa mga kusina at banyo, para palabasin ang mas mainit na hangin sa loob ng tahanan, at buksan ang mga bintana nang magdamag para papasukin ang mas malamig na hangin sa labas.
- Mainam ang kumuha ng air-con para sa iyong tahanan; kung mayroon kang air-con, huwag kalimutang paandarin ito.
- Imonitor ang indoor temperatures para sa iyong sarili at sa mga táong binabantayan mo.
- Tingnan kung may mga sintomas ng heat exhaustion at heat stroke. Para sa mga táong madaling maapektohan ng init, ang panganib na magkasakit dahil sa init ay maaaring madagdagan kapag ang indoor temperatures ay lampas ng 26°C (78 °F) at maaari itong tumaas nang husto kapag ang indoor temperatures ay lampas ng 31 °C (88 °F).
Ang usok mula sa wildfires ay maaari ring magdulot ng mga problema sa kalusugan. Kapag nagkasabay ang usok mula sa wildfire at ang sobrang init, mainam din ang i-filter ang iyong hangin gamit ang HEPA air cleaners. Makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa usok mula sa wildfires.
Mag-check-in sa iba
Mag-check in nang madalas sa iyong mga kapitbahay, mga kaibigan, at pamilya para masigurado na sila'y nananatili sa malamig na lugar, at magkaroon ng plan kung sakaling hindi. Makakapagligtas ito ng mga buhay.
Noong mga heat wave sa nakaraan, maraming mga tao ang namatay sa tahanan dahil sila’y socially isolated.
VCH Heat check-in support framework para sa non-governmental organizations
Ang heat check-ins ay nangyayari sa iba't-ibang mga setting at isinasagawa ng staff o volunteers na may diverse training. Dahil ito’y gagamitin sa malawak na context nito, ginawa ang framework na ito nang mapili ng mga organisasyon ang impormasyon na pinaka-naaangkop sa kanilang setting para makapagdibelop sila ng kanilang sariling organizational check-in plans.
I-download ang heat check-in support frameworkHeat check-in training videos
-
-
Heat check-in training
-
Heat check-ins: train-the-trainer
-
Gabay ng NCCEH Health checks kapag may extreme heat
Ang National Collaborating Centre for Environmental Health (NCCEH) ay nagdibelop ng gabay na dinisenyo para makatulong na suportahan ang mga táong gumagawa ng heat checks sa pamamagitan ng pagbigay ng lahat ng mahalagang impormasyon at guidance sa isang 5-pahinang package. Ang tool na ito ay idinebelop sa tulong ni Dr. Glen Kenny at ng kanyang heat stress research group sa University of Ottawa. Ito'y maaaring i-download sa Ingles, Pranses, Chinese, at Punjabi.
I-download ang heat events health check packageCooling centres at mga lugar na may malinis na hangin
Kapag may heat warning o alert, mahalaga ang manatili sa malalamig na lugar. Kapag mataas ang temperatura sa labas, ang mga lugar ng trabaho at mga tahanan ay maaari ding maging sobrang init at maaari nitong dagdagan ang panganib na magkasakit dahil sa init. Maraming mga lungsod at towns sa rehiyon ng Vancouver Coastal Health (VCH) ang nagpapalakad ng specialized cooling centres, o naghihikayat sa mga tao na gumamit ng ibang pampublikong lugar para magpalamig (tulad ng mga library at community centres). Maaari ring maglagay sila ng misting at water fill station stations kapag sobrang init.
Maraming local governments ang nagpapaskil ng updated na impormasyon sa kanilang social media, halimbawa, sa Twitter o Facebook, tungkol sa weather alerts at mga available na serbisyo. Ang ilang local governments ay mayroon ding webpages tungkol sa Extreme Heat (Sobrang Init).
-
-
City of Vancouver
-
City of Richmond
-
North Shore Emergency Management
-
City of North Vancouver
-
District of North Vancouver
-
Disctrict of West Vancouver
-
District of Squamish
-
Resort Municipality of Whistler
-
Town of Gibsons
-
City of Powell River
-
qathet Regional District
-
-
-
City of Vancouver
-
City of Richmond
-
North Shore Emergency Management
-
City of North Vancouver
-
District of North Vancouver
-
District of West Vancouver
-
District of Squamish
-
Resort Municipality of Whistler
-
Town of Gibsons
-
City of Powell River
-
qathet Regional District
-
Gabay para sa mga organisasyon sa komunidad
Gumawa ng Cooling Spaces Kapag Mainit ang Panahon
Patnubay ng public health batay sa ebidensiya, para makapag-setup at makapag-operate ang mga organisasyon sa komunidad ng inklusibo, katanggap-tanggap, at mabisang malalamig na lugar.
I-download ang Gabay para sa Cooling SpacesHeat warnings at extreme heat emergencies
Bilang pagtugon sa heat dome na nangyari noong 2021, maraming health sector partners at ang Environment and Climate Change Canada (ECCC) ang nagdibelop ng isang BC Heat Alert and Response System (BC HARS) para sa summer ng 2022. Ipinapahayag ng two-level alert system na ito ang criteria na gagamitin ng ECCC para mag-isyu ng isang Heat Warning (Level 1) o ng isang Extreme Heat Emergency alert (Level 2), ng naaangkop na public health messaging para sa kapwa dalawang uri ng alert, at ng mga inirerekomendang aksyon para sa health sector at sa ibang mga partner. Patuloy na aayusin at pahuhusayin ng province ang BC HARS sa mga darating na taon.
Magbasa ng karagdagang impormasyon tungkol sa BC HARS sa BCCDC website.
Alerts
Heat Warning (Level 1)
Threat: Ang daytime at overnight temperatures ay mas mataas kaysa sa mga karaniwang temperatura ng season at ito'y hindi magbabago
Aksyon: Gawin ang mga karaniwang hakbang para magpalamig.
Extreme Heat Emergency (Level 2)
Threat: Ang daytime at overnight temperatures ay mas mataas kaysa sa mga karaniwang temperatura ng season at lumalala ang init bawat araw
Aksyon: I-activate ang iyong emergency plan.
Vancouver’s Indoor HEAT Study (2021-2023)
In 2021, Western Canada experienced an extreme heat event caused by a heat dome that resulted in 619 heat-related deaths across BC. In the weeks following, a team of health and climate professionals at Vancouver Coastal Health, BC Centre for Disease Control, and the City of Vancouver identified indoor temperature as a data gap in the region. To address this gap, these organizations designed a multi-year study – the Indoor Household Exposure to Ambient Temperatures (HEAT) Study – to collect temperature, building, and household data from residents living in Vancouver, BC. The goal of this work is to help inform recommendations for achieving safe cool temperatures inside existing buildings and help prevent heat illness.
Read the results of the study here2021 BC Heat Dome and VCH ER Visits
Following the 2021 BC heat dome, the VCH Public Health Surveillance Unit studied data on emergency room visits in collaboration with VCH and Providence Health Care Emergency Medicine programs. Several key findings were identified:
The extreme heat event that affected much of British Columbia in 2021 resulted in a substantial increase in Emergency Department visits related to heat-related illness in VCH hospitals.
Rates of heat-related Emergency Department visits varied substantially by area of residence. Among the urban neighbourhoods in the VCH region, a higher rate of heat-related ED visits was observed among residents in the Downtown Eastside, Kensington, Victoria-Fraserview, North Vancouver City-East/West, and North Vancouver District Municipality –Central.
Among age groups, the highest rate of heat-related ED visits was among those aged greater than 80 years. Slightly more than half of heat-related ED visits and over 90% of hospitalizations among these visits were among those aged 65 years or older.
Comprehensive heat event preparedness is essential to minimize future health impacts, as the risk of extreme heat events in the context of a warming climate continues to evolve.
2021 BC Heat Dome and VCH ER Visits
Following the 2021 BC heat dome, the VCH Public Health Surveillance Unit studied data on emergency room visits in collaboration with VCH and Providence Health Care Emergency Medicine programs. Several key findings were identified:
The extreme heat event that affected much of British Columbia in 2021 resulted in a substantial increase in Emergency Department visits related to heat-related illness in VCH hospitals.
Rates of heat-related Emergency Department visits varied substantially by area of residence. Among the urban neighbourhoods in the VCH region, a higher rate of heat-related ED visits was observed among residents in the Downtown Eastside, Kensington, Victoria-Fraserview, North Vancouver City-East/West, and North Vancouver District Municipality –Central.
Among age groups, the highest rate of heat-related ED visits was among those aged greater than 80 years. Slightly more than half of heat-related ED visits and over 90% of hospitalizations among these visits were among those aged 65 years or older.
Comprehensive heat event preparedness is essential to minimize future health impacts, as the risk of extreme heat events in the context of a warming climate continues to evolve.
Policy tools para gumawa at magsuporta ng mas malamig at mas ligtas na indoor living spaces (loob ng tahanan)
Ang Vancouver Coastal Health (VCH) ay nagsasagawa ng review ng policy at regulatory options na maaaring magpabuti sa thermal safety sa mga tahanan sa loob ng VCH health region. Ang proseso ay may kasamang jurisdictional scan ng policy tools at key informant interviews ng mga kalahok mula sa iba't-ibang level ng pamahalaan, housing at tenancy advocacy groups, at mga tagapagbigay ng housing. Bukod pa sa paglalarawan ng iba't-ibang mga opsyon sa policy, ipinapakita ng findings na ang multiple policy interventions sa iba't-ibang mga level ng pamahalaan ay kinakailangan, tulad din ng mga istratehiya para labanan ang mga malalaking paghahamon hinggil sa gastos at sa feasibility, at para maiwasan ang mga hindi sinasadyang konsekwensiya.
I-download ang report: Policy tools para gumawa at magsuporta ng mas malamig at mas ligtas na indoor living spaces (loob ng tahanan)Mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa extreme heat
-
-
Public weather alerts for British Columbia -including heat and air quality alerts
-
WeatherCAN App -weather alerts to smart phones, including heat and air quality alerts
-
Hello weather – automated telephone weather service
-
-
-
Extreme heat poster - English
-
Extreme heat poster - Translated
-
Health checks during extreme heat events
-
Extreme heat preparedness guide
-
Fans in extreme heat FAQ
-
Build your own cool kit
-
Heat-related illness in infants and young children
-
Prepared together for extreme heat
-
AC Care
-
-
-
Heat check-in support framework for non-governmental organizations
-
Heat Check-In Training Video
-
Heat Check-Ins: Train-the-Trainer Video
-
Example heat check-in script
-
Heat check-In training slides
-
Heat check-in training: Train the trainer slides
-
Heat check-in practice scenarios
-
Heat check-in practice scenarios: Facilitation guide
-
Extreme weather check-in calls for multilingual seniors
-
Creating cooling spaces during hot weather: Guidance for community organizations
-
Emergency support for seniors framework
-
Heat stress information for workers
-
Sample Heat and Wildfire Smoke Plan for Local Governments
-
Heat response planning for Southern Interior B.C. communities: A toolkit
-
Outdoor Gatherings Guidance
-
-
-
How to be a heat-healthy business leader
-
Heat stress information for workers
-
Child care facilities and heat
-
Community care facilities and heat
-
Resource guide: Heat Planning
-
Heat Response Plan Template
-
Site assessment checklist
-
Resident risk identification guidance
-
Heat response preparation checklists
-
Heat response temperature log
-
Heat response checklist
-
Heat-related illness: Prevention and Management in Community Care Facilities
-
Extreme Heat Guidance for Restaurants
-
Pool Operators on Extreme Heat and Smoke
-
-
-
Summer heat, smoke and health: Recommended actions for owners and managers of rental and strata housing
-
Resources to prepare buildings and facilities for extreme heat
-
Heat wellness check-in card for tenants
-
Creating cooling spaces during hot weather: Guidance for community organizations
-
Resources for health professionals
-
-
Community care during extreme heat
-
Acute care during extreme heat
-
Health facilities preparation for extreme heat
-
Health facilities preparation for extreme heat
-
Technical guide for health care workers
-
For pharmacists (including medication risk factors)
-