Resource

Matinding lamig

Closeup of icicles on a roof during a snowstorm

Sa panahon ng matinding lamig, may mas mataas na mga panganib ng hypothermia, frostbite, pagkadulas o pagkatisod, pagbagsak sa sahig, pagkalason sa carbon monoxide at potensiyal na kamatayan. Ang panahon ng taglamig ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng lahat, kaya tiyaking ikaw ay handa at ginagawa ang lahat para mapanatiling ligtas ang iyong sarili, iyong pamilya, at iyong komunidad.

Mga problema sa kalusugan sa panahon ng taglamig

Sa panahon ng taglamig, may mas mataas na mga panganib ng hypothermia, frostbite, pagkadulas o pagkatisod, pagbagsak sa sahig, pagkalason sa carbon monoxide at potensiyal na kamatayan. Ang mga epekto sa kalusugan ng panahon ng taglamig ay maaaring maapektuhan ang sinuman, kaya maging handa at umaksiyon kapag kinakailangan.

Hypothermia

Ang hypothermia ay dulot ng matagal na pagkakalantad sa malamig na temperatura, na nagiging sanhi ng pagbaba ng temperatura ng katawan. Ang mababang temperatura ng katawan ay maaaring maging sanhi ng pagkalito at kahirapan sa paggalaw at maaaring magkaroon ng malubhang epekto, kabilang ang hindi paggana ng mga organ ng katawan at pagkamatay.

Banayad (mild) na hypothermia

  • Panginginig  
  • Kahirapan sa paggalaw ng mga kamay   

Kung maaari, pumunta sa isang mainit na lugar. Dahan-dahang painitan ang katawan sa pamamagitan ng hot pack, bote na may mainit na tubig, pag-shower gamit ang mainit na tubig, paggamit ng kumot, o skin-to-skin contact (mas maaari itong makatulong sa mga sanggol at maliliit bata). Kung hindi nabawasan ang mga sintomas sa loob ng 30 minuto, magpunta sa emergency room o emergency care centre. Tumawag sa 9-1-1 o sa iyong lokal na emergency number kung kinakailangan.   

Katamtamang (moderate) hypothermia

  • Maaaring pagtigil ng panginginig ng katawan  
  • Kahirapan sa paggalaw ng mga kamay o iba pang bahagi ng katawan  
  • Kahirapan sa pagsasalita 
  • Nalilito o inaantok   

Magpatingin o magpakonsulta sa emergency room o urgent care centre. Tumawag sa 9-1-1 kung kinakailangan. Habang papunta para magpatingin o habang naghihintay sa mga serbisyo para sa isang medical emergency, subukang painitan ang tao. Kung maaari, pumunta sa isang mainit na lugar. Dahan-dahang painitan ang katawan sa pamamagitan ng hot pack, bote na may mainit na tubig, pag-shower gamit ang mainit na tubig, paggamit ng kumot, o skin-to-skin contact.  

Malubhang (severe) hypothermia

  • Walang panginginig ng katawan  
  • Kaunti o walang paggalaw ng katawan 
  • Hindi sumasagot sa mga tanong  
  • Maaaring mahirap gisingin   

Tumawag sa 9-1-1. Kung hindi humihinga ang indibidwal, simulan ang CPRKung maaari, pumunta sa isang mainit na lugar. Subukang dahan-dahang painitan ang katawan gamit ang mga hot pack, bote na may mainit na tubig o paggamit ng mga kumot.  

Kung hindi ka sigurado o mayroon kang anumang non-emergency na katanungan, tumawag sa 8-1-1 upang makausap ang isang nurse.

Ang hypothermia ay dulot ng matagal na pagkakalantad sa malamig na temperatura, na nagiging sanhi ng pagbaba ng temperatura ng katawan. Ang mababang temperatura ng katawan ay maaaring maging sanhi ng pagkalito at kahirapan sa paggalaw at maaaring magkaroon ng malubhang epekto, kabilang ang hindi paggana ng mga organ ng katawan at pagkamatay.

Banayad (mild) na hypothermia

  • Panginginig  
  • Kahirapan sa paggalaw ng mga kamay   

Kung maaari, pumunta sa isang mainit na lugar. Dahan-dahang painitan ang katawan sa pamamagitan ng hot pack, bote na may mainit na tubig, pag-shower gamit ang mainit na tubig, paggamit ng kumot, o skin-to-skin contact (mas maaari itong makatulong sa mga sanggol at maliliit bata). Kung hindi nabawasan ang mga sintomas sa loob ng 30 minuto, magpunta sa emergency room o emergency care centre. Tumawag sa 9-1-1 o sa iyong lokal na emergency number kung kinakailangan.   

Katamtamang (moderate) hypothermia

  • Maaaring pagtigil ng panginginig ng katawan  
  • Kahirapan sa paggalaw ng mga kamay o iba pang bahagi ng katawan  
  • Kahirapan sa pagsasalita 
  • Nalilito o inaantok   

Magpatingin o magpakonsulta sa emergency room o urgent care centre. Tumawag sa 9-1-1 kung kinakailangan. Habang papunta para magpatingin o habang naghihintay sa mga serbisyo para sa isang medical emergency, subukang painitan ang tao. Kung maaari, pumunta sa isang mainit na lugar. Dahan-dahang painitan ang katawan sa pamamagitan ng hot pack, bote na may mainit na tubig, pag-shower gamit ang mainit na tubig, paggamit ng kumot, o skin-to-skin contact.  

Malubhang (severe) hypothermia

  • Walang panginginig ng katawan  
  • Kaunti o walang paggalaw ng katawan 
  • Hindi sumasagot sa mga tanong  
  • Maaaring mahirap gisingin   

Tumawag sa 9-1-1. Kung hindi humihinga ang indibidwal, simulan ang CPRKung maaari, pumunta sa isang mainit na lugar. Subukang dahan-dahang painitan ang katawan gamit ang mga hot pack, bote na may mainit na tubig o paggamit ng mga kumot.  

Kung hindi ka sigurado o mayroon kang anumang non-emergency na katanungan, tumawag sa 8-1-1 upang makausap ang isang nurse.

Frostbite

Ang frostbite ay nangyayari kapag nagyeyelo ang balat at maaari itong mangyari kapag nalantad ang balat sa malamig na temperatura. Sa mga malubhang kaso nito, ang frostbite ay maaaring humantong sa amputation (ang pangangailangang medikal na pagputol ng isang bahagi ng katawan). Kapag mayroon nang unang palatandaan ng pamumula o pananakit sa anumang bahagi ng balat, protektahan ang anumang nakalantad na balat at/o umalis sa malamig na lugar—dahil maaaring magsimula ang pagkakaroon ng frostbite.

Frostnip (mas banayad, nang hindi naninigas ang balat dahil sa lamig)

  • Pamumula 
  • Pamamanhid 
  • Tusok-tusok na sensasyon  

Upang gamutin ang frostnip, painitan muli ang balat sa isang lugar na may room temperature o sa pamamagitan ng pagbabad ng apektadong bahagi sa maligamgam na tubig sa loob ng 15-30 minuto (napakasakit ang pagpapainit ng naninigas o may frostbite na balat, kaya gumamit ng tubig na bahagyang mas mainit sa temperatura ng katawan). Iwasan ang paggamit ng mga pampainit tulad ng mga kalan at mga heating pad dahil maaari itong magdulot ng mga paso. Habang napapainitan ang balat, maaaring makaranas ng pananakit at tusok-tusok na pakiramdam. Kung lumalala ang mga sintomas, magpatingin o magpakonsulta sa emergency room o urgent care centre. 

 Mababaw (superficial) na frostbite

  • Nakakapaso o mahapding sensasyon 
  • Maaaring matigas, parang wax o mukhang makintab, at/o nagyeyelo o naninigas dahil sa lamig sa pakiramdam ang balat 
  • Maaaring magkaroon ng maputlang paltos na may likido sa loob ng hanggang 36 na oras pagkatapos na muling painitan ang balat  

Ang mababaw na frostbite ay maaari munang gamutin gamit ng mga remedyong makikita sa bahay sa pamamagitan ng paggamot sa apektadong lugar. Upang maiwasan ang permanenteng pinsala, painitan ang apektadong bahagi ng katawan tulad ng inilarawan sa itaas. Kung hindi gumagaling ang mga sintomas, magpatingin o kumonsulta sa emergency room o urgent care centre. 

Malubhang (deep) frostbite

  • Pagmamanhid/pagkawala ng pakiramdam 
  • Maaaring maging kulay asul, kulay-abo, at/o itim ang balat 
  • Maaaring magkaroon ng malalaking paltos sa loob ng 24-48 oras pagkatapos muling painitan ang katawan  

Kailangan kaagad ng medikal na atensiyon ang malubhang frostbite. Magpatingin o magpakonsulta sa emergency room o urgent care centre, dahil maaaring magkaroon ng permanenteng pagkamatay ng tissue sa yugtong ito, at maaaring may panganib ng amputasyon. Tumawag sa 9-1-1 o sa iyong lokal na emergency number kung kinakailangan. 

Basahin ang Healthlink BC para sa higit pang detalye tungkol sa Frostbite 

Pagkadulas at pagkatumba

Kapag mayroong niyebe at yelo ang mga daanan, mayroong mas malaking panganib na madulas at matumba habang nasa labas. Maaaring dumami ang mga magpupunta sa emergency department o maospital sa panahong ito dahil sa pagkadulas at pagkatumba. Ang lahat, anuman ang kanilang edad at abilidad, ay maaaring nasa panganib na matumba. Maaaring maiiwasan ang pagkatumba gamit ang mga wastong kagamitan at paghahanda.  

Mga payo upang maiwasan ang pagkadulas at pagkatumba

  • Magplano nang maaga upang magkaroon ng sapat na oras para makarating sa pupuntahan.
  • Maglakad sa mga malinis na daanan kung may yelo at niyebe sa lupa.
  • Magsuot ng bota o sapatos na sakto ang sukat at may makapal na non-slip tread na swelas.
  • Gumamit ng tungkod, ski poles o walking stick upang makatulong sa pagbalanse. Kung gumagamit ng tungkod, maglagay ng matatanggal na ice pick sa dulo nito.
  • Kapag naglalakad sa mga madulas na daan, maglakad nang may maiikling hakbang at nakaturo ang mga daliri ng paa palabas (tulad ng isang penguin). Panoorin ang video tungkol sa paglalakad sa panahon ng taglamig para sa iba pang mga tip.

Hanapin ang mga serbisyo sa VCH para maiwasan ang pagkatumba

Pagkalason sa carbon monoxide (CO)

Sa panahon ng taglamig, maaaring mas madalas mangyari ang pagkalason sa carbon monoxide dahil ang ilang mga sistema ng pagpapainit ay nagsusunog ng fossil fuel upang panatilihing mainit ang mga espasyo (hal., pagpapainit gamit ang gas, mga kalan na gumagamit ng kahoy o uling, mantika, langis). Ang pagkalason sa carbon monoxide ay nangyayari kapag ang mga tao ay nakakalanghap ng labis na carbon monoxide at maaaring mangyari ito kapag nasisira ang mga appliances o ginagamit ito sa mga lugar na walang sapat na bentilasyon (hal., mga naka-block o hinarangang tsiminea (chimney), saradong bintana, o sa loob ng isang tent). Hindi mo makikita, maaamoy o malalasahan ang carbon monoxide, ngunit maaari itong magdulot ng kamatayan sa loob ng ilang minuto.

Alamin ang mga sintomas ng pagkalason sa carbon monoxide at mga tip para maiwasan ito (HealthLink BC)

 

Carbon Monoxide Poisoning: Sources, Symptoms, and Treatment | Interview with Dr. Bruce Campana

Tinatalakay ni Dr. Bruce Campana, isang hyperbaric physician sa Vancouver General Hospital, ang tungkol sa mga sintomas, pinagmumulan, at panganib ng pagkalason sa CO.

Mga indibidwal na may mas mataas na panganib

Mayroong ilang indibidwal na may mas mataas na panganib na magkaroon ng mga epekto sa kalusugan na kaugnay sa panahon ng taglamig. Kahit na ang sinumang hindi nagsusuot ng panlamig na damit ay may panganib na magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan, mayroong mas mataas na panganib ang ilang indibidwal. Ang mga hakbang para magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga lokal na kondisyon sa panahon ng taglamig at mga epekto at suporta para sa mga hakbang pamproteksiyon ay partikular na mahalaga para sa mga sumusunod na grupo.

Kabilang sa mga populasyon na mayroong mas mataas na panganib na magkaroon ng mga epekto sa kalusugan na kaugnay sa panahon ng taglamig ang:

  • Mga indibidwal na walang tirahan o walang katiyakan ang tirahan 
  • Mga indibidwal na naninirahan sa tirahang hindi sapat ang pasilidad, tulad ng hindi naaangkop na insulation, kuryente o heating (kabilang ang mga nakakaranas ng kahirapan sa pagkuha ng kuryente o gas) 
  • Mga indibidwal na matagal ang pamamalagi sa labas ng tirahan (para sa trabaho, libangan, o pagbiyahe) 
  • Mga mas nakakatandang nasa hustong gulang 
  • Mga sanggol at maliliit na bata 
  • Mga indibidwal na may mga pre-exisiting health condition (dating sakit), kabilang ang mga kondisyon o sakit sa puso o baga, o mga kondisyon sa kalusugan na nakakaapekto sa sirkulasyon ng dugo (hal., diabetes, o ilang gamot nakakapigil sa pagdaloy ng dugo) 
  • Mga taong gumagamit ng mga bawal na gamot, kabilang ang alak 

Mga hakbang sa pag-iingat

Sa pagdating ng panahon ng taglamig, hinihikayat ang mga miyembro ng publiko na magsagawa ng mga pag-iingat.

Sa tahanan  

  • Painitin ang iyong tahanan sa hindi bababa sa 21℃ kung mayroong mga sanggol o matatanda. Sa mga buwan ng taglamig, maaaring tumaas ang mga gastos sa heating (pagpapainit ng tirahan). Kung nahihirapan kang magbayad para sa pagpapainit ng tirahan, ikonsiderang alamin ang Energy Conservation Assistance Program ng BC Hydro at i-check kung mayroong rent bank sa iyong lungsod o town.   
  • Gumawa ng plano at ihanda ang iyong tahanan para sa mga panganib kapag panahon ng taglamig sa iyong lugar. Basahin ang Mga PreparedBC Guide para sa Lagay ng Panahon at Mga Bagyo sa Taglamig, Pagkawala ng Kuryente, Pagbaha, Mga Avalanche at iba pang mga sakuna sa BC.  
  • Gumawa ng isang emergency kit at lagyan ito muli ng stock pagkatapos ng bawat paggamit. Basahin ang Home Preparedness Guide ng PreparedBC. 
  • Panatilihing ligtas na daanan ang mga pampublikong lugar sa labas ng iyong tahanan, kabilang ang mga daanan ng tao (sidewalk) at mga paradahan, para madali itong madaanan ng lahat. 
    • Alamin ang mga tip sa pagpala ng niyebe (shovelling) upang maiwasan ang mga pinsala.  
    • Ang ilang komunidad ay may mga programa ng Snow Angels / Snow Stars upang matulungan ang mga senior o mga indibidwal na may kapansanan na alisin ang niyebe sa kanilang mga walkway. Nakakatulong ito para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng pinsala at masuportahan ang madaling pagkilos ng mga tao. Palaging kailangan ng mga volunteer! Makipag-ugnayan sa iyong lokal na pamahalaan o First Nation para sa higit pang impormasyon.   

Paglilibot o paglalakad sa labas ng tirahan 

  • I-check ang ulat ng panahon bago lumabas. Magplano ng ligtas na ruta at maglaan ng dagdag na oras upang makabiyahe sa mga kondisyon ng panahon ng taglamig.  
  • Magsuot ng damit para sa panahon ng taglamig:  
    • Magsuot ng mga layer, mas mabuti kung ito ay isang outer layer na hindi nababasa (waterproof) o hindi tinatagusan at nahaharangan ang hangin (windproof). Magtanggal ng mga layer kapag naiinitan upang maiwasang pagpawisan. Tumataas ang panganib na magkaroon ng hypothermia kapag ikaw o ang iyong mga damit ay basa. 
    • Pumili ng damit na gawa sa lana (wool) o sintetiko (synthetic), dahil pinapanatili nitong mas mainit at tuyo ang mga tao kumpara sa mga damit na gawa sa koton (cotton).  
    • Depende sa temperatura at hangin (lamig ng hangin o wind chill), maaaring manigas sa loob ng ilang minuto ang nakalabas na bahagi ng balat. Magsuot ng sumbrero, scarf, mittens o guwantes.    
    • Gumamit ng bota o sapatos na sakto ang sukat, insulated, di nababasa (waterproof), at may mahusay na traksiyon. Ikonsiderang maglagay ng mga traction device sa mga sapatos, ngunit tandaan na maaari itong maging madulas sa mga patag at makintab na sahig tulad ng tiles.  
    • Magsuot ng matingkad at reflective na damit upang makita ka sa dilim ng mga dumadaang sasakyan. Maging maingat dapat ang mga nagmamaneho, at makakatulong na mas maging ligtas ang mga taong naglalakad, nagro-rolling (bumabiyahe gamit ang mga scooter, skateboard, uniwheel atbp.) o nagbibisikleta.  

Pagmamaneho 

Kapag mayroong mga bagyo sa panahon ng taglamig (winter storm) at matinding lamig  

  • I-check ang mga babala sa lagay ng panahon mula sa Environment and Climate Change Canada at ang mga emergency alert mula sa Emergency Info BC. 
  • Makipag-ugnayan sa iyong Lokal na Pamahalaan o First Nation para sa suportang makikita sa komunidad.  
  • Alamin kung saan magpapatingin para sa naangkop na pangangalaga sa kalusugan sa mga buwan ng panahon ng taglamig.  
  • Ikonsidera ang pagpapalit ng iskedyul ng mga aktibidad o bawasan ang oras na ginugugol sa labas kapag mas malamig ang temperatura. 
  • Kamustahin ang iyong mga kapitbahay, kaibigan at pamilya, lalo na ang mga mas nakakatanda o mga indibidwal na may kapansanan na nakatira nang mag-isa. Tiyaking hindi sila giniginaw at tanungin sila kung kailangan nila ng mga kagamitan (supply), transportasyon, tulong sa paglilinis ng niyebe o iba pang suporta.    

Pangangalaga sa panahon ng taglamig

Pinakamahalaga sa panahong ito ang aktibong pamamahala ng iyong kalusugan at well-being. Mahalagang alamin kung kailan dapat magpatingin sa doktor, at kasing halaga rin nito na alamin kung paano alagaan ang iyong sarili at iwasan ang pangangailangan para sa medikal na pangangalaga hangga’t maaari. Bisitahin dedikadong page para sa Pangangalaga para sa Panahon ng Taglamig (Winter Care) para sa iba’t ibang payo para mapanatiling ligtas at malusog ang sarili—ito man ay pagkakaroon ng pinakabagong impormasyon sa pagbabakuna o tungkol sa mga payo upang maiwasan ang mga karaniwang injury o karamdaman sa panahon ng taglamig. 

Unahin ang iyong kalusugan ngayong panahon ng taglamig: Mga payo sa kalusugan at wellness sa panahon ng taglamig

 

Mental health at paggamit ng bawal na gamot at alak (substance use)

Para sa karamihan, ang panahon ng taglamig ay maaaring makaapekto sa pisikal at mental na kalusugan at well-being. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong kapag kailangan mo ito. Kung nahihirapan ka, mayroong makukuhang suporta. 

Mental health at paggamit ng bawal na gamot at alak (substance use)  

Para maiwasan ang pinsala (harm reduction) 

Mga overdose prevention site 

Mga opsiyon para sa mga shelter sa umaga at hapon, at mga bukas na shelter sa gabi (overnight shelter)

Kapag may matinding lagay ng panahon para sa taglamig, ang mga lokal na pamahalaan at mga non-governmental organization sa rehiyon ng Vancouver Coastal Health (VCH) ay nagbubukas ng mga shelter o hinihikayat ang mga mamamayan na gamitin ang iba pang mga pampublikong lugar (tulad ng mga library at community centre) upang ligtas na makapagpainit ang mga tao at maiwasan ang pagkakalantad sa lamig. Ang ilang lugar ay bukas nang magdamag, at ang iba ay mapupuntahan sa umaga at hapon. Maaaring magkaroon ng mas maraming lugar kapag tumataas ang panganib dahil sa lamig, hangin at/o pag-ulan.  

Maraming lokal na pamahalaan ang nagpo-post ng pinakabagong impormasyon sa kanilang mga social media page tungkol sa mga binuksang warming centre o pansamantalang shelter kapag mayroong babala sa lagay ng panahon para sa taglamig. Mayroon ding listahan ang BC Housing ng mga shelter sa buong province.

Ang BCCDC ay nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa pampublikong kalusugan upang mabawasan ang mga epekto ng pagkakalantad sa panahon ng taglamig para sa mga mamamayang nakakaranas ng kawalan ng tirahan (homelessness) sa British Columbia.

Maaaring mabilis na magbago ang mga opsiyon para sa shelter batay sa kasalukuyang kondisyon ng panahon. Direktang kumpirmahin sa mga organisasyon kung kasalukuyang magagamit ang mga serbisyo o kung mayroon pang lugar para tumanggap ng mga tao.

Mga babala sa lagay ng panahon para sa taglamig

  • Ang Arctic Outflow Warnings ay inilalabas para sa mga rehiyon ng Coastal British Columbia kapag ang anumang kombinasyon ng lakas ng hangin at temperatura ay nagdudulot ng lamig ng hangin (wind chll) na -20°C o mas mababa sa loob ng 6 na oras o higit pa. 
  • Ang Babala sa Matinding Lamig (Extreme Cold Warnings) ay inilalabas para sa Coastal British Columbia kapag inaasahang umabot sa -35°C ang temperatura o lamig ng hangin (wind chill) nang hindi bababa sa 2 oras. 
  • Ang Babala sa Pagbagsak ng Niyebe (Snowfall Warnings) ay inilalabas para sa Southern at Central Coastal British Columbia kapag 10 sentimetro o higit pa ang bumagsak na niyebe sa loob ng hanggang 12 oras; o kapag 5 sentimetro o higit pa ang bumagsak na niyebe sa loob ng hanggang 6 na oras.  
  • Ang Babala sa Bagyo sa Panahon ng Taglamig (Winter Storm Warnings) ay inilalabas kapag inaasahan ang malubha at potensiyal na mapanganib na kondisyon sa panahon ng taglamig, kabilang ang: matinding pagbagsak ng niyebe (25 sentimetro o higit pa sa loob ng 24 oras) at malakas na pagbagsak ng niyebe (criteria ayon sa dami ng snowfall warning) kasama ang iba pang uri ng presipitasyon kapag malamig ang panahon tulad ng nagyeyelong ulan, malakas na hangin, hinahanging niyebe (blowing snow) at/o matinding lamig.  
  • Ang Flash Freeze Warnings ay inilalabas kapag inaasahang magkakaroon ng maraming yelo sa mga daan, sidewalk o iba pang mga lugar sa karamihan ng isang rehiyon dahil sa pagyeyelo ng natitirang tubig (residual water) mula sa natunaw na niyebe o kasalukuyan/nakaraang pag-ulan na dulot ng biglaang pagbaba ng temperatura. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mga Alert tungkol sa Lagay ng Panahon para sa Publiko (Public Weather Alerts) sa British Columbia, bisitahin ang mga resources na ito mula sa Environment and Climate Change Canada:  

Winter weather guide thumbnail

Severe Winter Weather and Storm Preparedness Guide ng PreparedBC

Ang PreparedBC ay gumawa ng Gabay tungkol sa Matinding Lagay ng Panahon sa Taglamig at Paghahanda para Bagyo (Severe Winter Weather at Storm Readiness Guide) upang matulungang makapaghanda ang mga mamamayan para sa mga nabanggit na matinding lagay ng panahon. Ang booklet na ito ay nagbibigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa mga panganib na nauugnay sa panahon at mga aksiyong maaari mong gawin upang maging handa.

I-download ang preparedness guide (gabay para sa paghahanda)

Karagdagang mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa panahon ng taglamig

I-check ang mga social media page para sa mga update at mga bagong serbisyo sa iyong lokalidad. 

Mga kaugnay na artikulo

Extreme heat

Wildfire smoke

Storms and flooding